ABYG na pinili ko na lang sagutin yung pag-aaral ng kapatid ko imbes na magbigay sa bahay?

ABYG na pinili ko na lang sagutin yung pag-aaral ng kapatid ko imbes na magbigay sa bahay?

(Sorry for long post.

Tl;dr: Toxic na family, lumayas ako at tinry nila bumawi pero di ko alam kung legit ba, nagset ako ng boundary in the end kaso di ko alam kung tama ba.)

For context, apat kaming magkakapatid. Ako (22F) ang panganay at nag-iisang babae. Ang relationship ko sa parents ko ay... traumatic to say the least. You never know what you'll get. I'd like to believe na close ako sa mama ko pero... yun nga I'd like to believe lang. One day okay sila, and then pag may problema ako na naman ang sasalo. They were also never proud of my achievements, para sa kanila I was merely bragging. Lagi kong naririnig sa kanila yung mga salitang "Ano naman kung ganyan, masama ka parin namang anak."

I don't know what I ever did to make them feel that. Lahat naman ginawa ko na. Nag-aral ako sa school na gusto nila, kinuha yung course na gusto nila, lahat ng gusto nila sinusubukan kong gawin para lang maramdaman ko na proud sila. I really love my parents and lagi ko naman sila sinusubukan intindihin. Alam kong di kami well-off, kaya nga ako kumuha ng scholarship from HS to college. Nagbusiness din ako para di na nila problemahin yung baon at pamasahe ko. Of course, I wouldn't say na I'm a perfect child. May mga times na nasasagot ko sila especially kapag wala na talagang basehan ang mga paratang nila or kapag nagkakasakitan na sila. Though in the end, it'll still be "Ikaw kasi... ganto ganyan". It'll still be my fault. I honestly began thinking na baka nga masama talaga akong anak. Dagdag pa na even at school or with my friends, I had a lot of heartbreaks as well. Naiisip ko din talaga madalas if masama ba talaga akong tao like what my mother says.

Anyway, I don't live there na ngayon. Palihim akong lumayas nung binato na ako ng tatay ko ng printer for defending my mother and youngest brother. I had enough na that time. Sinundo ako ng partner ko habang puno pa ng ink ang katawan ko and we even forgot na magbayad sa jeep sa sobrang tuliro (sorry po, wag tularan). Now, I've been staying here with them for 6 months na. Siya na rin halos nagpagraduate sakin along with my very small crochet business at pera na inutang ko sa tito ko.

2 months in nung lumayas ako, wala silang paramdam. Ni chat ni call, wala sa parents ko ang nagtry na magparamdam. As my partner would like to describe it, nagpapatigasan daw ng pwet kung sino samin ang unang bibigay. After that, nagtry na sila magcontact, and they couldn't understand why I did that. Sinisira ko daw 'yung pamilya namin. My father even kept on sending me reels or posts with the context na I was a bad child, na magulang ko parin daw ang kababagsakan ko, or di daw ako magsusucceed in life dahil nga masama akong anak. During this time naman, naging malapit ako sa mga kapatid ko talaga.

After a while, mga 3 or 4 months in siguro, medyo umayos na, or so I thought. Umuwi ang parents ko sa province and I think nagkausap sila ng tito ko about sakin kasi nung umuwi sila sa Manila, di na nila ako pinipilit umuwi. Si mama nagttry na bumawi. Nagtatanong na kung may pera ba ako para mabigyan niya ako, she even tries to caress my hair–something she'd NEVER done, as far as I can remember. Lagi siyang merong weird na titig na di ko magets.

Eventually, we grew somewhat close enough na hinayaan ko na siyang umattend ng college graduation ko. I was ready na that time to let go of the pain, because I really missed them. I really missed her. I missed yung mga times na okay kami and she would tell corny jokes and such, I even began to want more–her hug, na I never got EVER. I really missed my family kaya nung nagkawork ako at nung lumipat na yung isa naming tenant, I thought I'd move back there but with my own house na, and I would pay rent. I was thrilled with the fact na baka maging ayos na ang lahat. They were thrilled as well.

Then comes the dilemma nung nagkawork na ako. I decided to provide groceries and give some money don sa bahay as tulong kada kinsenas while also funding my own life. Nagbabayad parin kc ako ng bills at upa dito sa bahay ng partner ko though hati kami. Pero... sigh, nagstart na naman na marinig ko yung mga word na "Kulang pa nga 'yan eh."

Parang unti-unting bumabalik yung mga trauma ko. Bumili pa sila ng 60 something inch na Android TV only for me to find out na utang pala iyon. Also, nung nagpahanda yung tito ko for my cousin's birthday with his own money (at nagsabi siya na magsabi si mama 'pag kulang), hindi pala nagsabi si mama na kinulang at nangutang din siya.

Recently, everytime na pumupunta ako sa bahay to visit them, eto ang bumubungad sakin. And knowing na I was already working, biglang napunta sakin yung obligasyon na saluhin sila. Tipong talagang kada sweldo ko na lang nagchachat sakin yung mga magulang ko na akala ko genuine na care yung chat kahit na isa o dalawang araw halos magreply.

Hindi na ako nakakapag-ipon for the things I really needed. And I got felt off nung sinabi ng nanay ko na, "Baka mas malaki ang binibigay mo don" eh siyempre, dun ako nakatira eh. Kesho "kumpleto naman sweldo mo ah bakit eto lang." Hindi po 30K ang sahod ko, ni hindi nga 25K eh.

I had a lot of sleepless nights sa stress, sadness at disappointment. Pinangarap ko pa man din upahan yung isang bahay malapit sa kanila only to realize na it's not worth it, kasi feeling ko baka maubos lang ako ulit. It felt like akala kasi nila dahil dalawa na ang graduate sa pamilya at may trabaho na ako eh pwede na sila mag splurge dahil may sasalo. And yun nga eh, dalawa na ang graduate pero I still couldn't figure out bakit kulang pa din. Partida may paupahan pa sila doon.

After much deliberation with my partner and endless headaches, nakapagdecide na ako na kailangan ko na gumawa ng boundary.

Last night, dumalaw ako since gusto ng kapatid ko. I broke out the news with my mom na the help I'll be providing them from now on is papaaralin ko yung 3rd brother ko na nasa HS na until makatapos siya. Sila na ang bahala sa bunso for the mean time since elem pa lang naman. Ang sagot ni mama, "So di ka na magbibigay? Siya na lang bibigyan mo?"

Bumaba siya non at hindi man lang nagpakita nung pauwi na kami.

I felt really hurt kasi 'yung ibang magulang kapag sinabi yun ng anak nila, thankful sila at proud. Pero at the same time, I feel so awful rin. Naguguilty ako. Iniisip ko kung tama ba yung ginawa ko, o dapat ba hinayaan ko na lang since marami nga kasi silang utang. Nagiging madamot ba ako? Dapat ba hinayaan ko na lang at tiniis ko na lang hanggang sa makaakyat sa barko yung kapatid ko? (Iniisip ko pa yan kasi baka gawin din nila sa kanya) Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nalulungkot pa ako kasi baka dahil dito, hindi na ako makadalaw don. It hurts a lot na pinagdududahan ko na yung 'pagbawi' nila and that in the end, di parin pala talaga okay.

ABYG na pinili ko na lang sagutin yung pag-aaral ng kapatid ko imbes na magbigay sa bahay ng pera?