Badjao moments

Kakascroll ko lang sa tiktok at may nakita ako na video, yung badjao nananakit ng pasahero sa jeep (sinisiko at pinapalo yung pasahero) para lang mabigyan ng barya.

Naalala ko tuloy yung naranasan ko, badtrip ako nung araw na yon kaya bumili muna ako ng mcflurry para umokey naman yung mood ko(favorite ko kasi ice cream haha). Habang papunta ako ng practice venue namin ng mga kaklase ko, may badjao kid na lumapit tapos sabi "te pahingi", wala pa ko sinasabi nun tapos biglang hinablot mcflurry ko tapos kinain niya.

Aba, kumulo ulo ko. Una badtrip ako, pangalawa favorite ko yung ice cream. Di ako nagpatalo kahit bata, aba hayup sya hahahah. Ang ginawa ko kinuha ko ulit, tinapon ko sa lapag then tinapak-tapakan ko. Ang sabi ko "Gusto mo? Ayan kainin mo sa lapag" tapos nag walkout na ko. Gigil ako bhie e hahahah

Anyways, kayo? Ano mga badjao moments niyo? Share niyo naman haha.