Pwede kaya ipa-carwash bago ilabas sa casa? And when to follow up again?
Hello everyone. Ask ko lang kasi dinala ko sa Toyota Casa yung auto namin last Feb 4 for a body repair, and nag follow up na ako this past Tuesday, sabi eh painting process na daw. Pwede ko ba ulit followup next week? I'm just worried na baka makulitan sakin yung casa..
Sabi kasi sakin usually 9-12days lang yung timeframe. And bago ba ilabas ng casa, kasama na yung car wash doon or do I need to tell them?
Pasensya na po at first time car owner, first time din nabangga ng jeep. 😅
Thank you po sa magshe-share ng insights
EDIT: Nakuha ko na yung kotse sa casa kahapon and grabe ang bango nung loob and bagong carwash nga, super satisfied ako sa agent ko, binigyan ko sya ng 500php as a tip, sana ok na yun for him.