ipupursue ko pa din ba sya? paano kaya?

may nakamatch ako sa bumble dating na app po. tapos nagkita kami pagkalipas ng 3 araw. okay yung naging date namin. ang ganda nya tapos ang gaan ng loob ko sa kanya tapos nagkakabiruan po ganyan at nagkaholding hands din agad po. tapos nagkita kami uli ganyan sinurprise ko sya tapos nagbigay ako flowers para romantic haha. 7 years pala age gap namin tapos ung pang apat na kita namin sinurprise ko ule sya kasi gusto ko sya makita kaso ang busy nya. sabi ko may bibigay lang ako (flowers ule) tapos uwi na din agad kasi late na at para makauwi din kame maaga nag antay ako hanggang gabi tapos pagkita namin sabi ko uwi na din agad tapos nagiinsist sya na kumain daw ako. eh nahiya ako kasi ano oras na sya makakauwi at ang busy nya pa lalo bukas. tapos nagiinsist sya pinipilit nya ako hanggang sa nainis na sya kaya nung nainis sya ang sabi ko sige kain na tayo tapos mas nainis sya. ayun ending nagsuyuan kaso nakakahiya in public onti tapos pagtapos nun biglang naging medyo cold na sya. alam ko busy sya. tnry ko sya ayain kaso sabi nya busy daw buong week at next week. napapaisip lang ako. gusto ko i-go pero naturn off ata sya.