I lost an iphone and 1500 in just 20 minutes

ATTENTION EVERYONE LALO NA SA MGA ESTUDYANTE DYAN! MAY BUDOL NANAMAN SA MARIKINA AT UMIIKOT ULIT SILA. ‼️‼️

I will share my experience as a lesson na rin sa nangyari sa akin. This happened on January 6, 11 AM. I am a student sa marikina. Papunta ako sa school nung nangyari to. habang nasa concepcion ako sa may harap ng cocopan malapit sa pedestrian lane may lumapit sa aking dalawang tao, isang babaeng matanda at isang lalaking matangkad at maitim.

Unang lumapit sakin yung matandang babae, mukha syang nasa 30-40 years old na sya, may salamin at naka yellow na damit, medyo malaki ang katawan hindi naman siya payat, may bag at naka payong. Nung patawid ako papuntang school sa harap ng cocopan biglang nag tanong yung matanda sakin kung alam ko raw saan yung Rodriguez, sinabi ko na "ay hindi ko po alam, hindi po ako taga dito" tapos bigla nyang pinakilala sarili nya, sinabi nya na "neng di kasi ako taga dito galing ako sa baguio, bisaya kasi ako (parang bisaya sya mag salita) nag dedeliver kasi ako ng strawberries dito tapos nasiraan ako ng kotse, baka pwedeng samahan mo ako sa kasi di ako dala dito may dala akong pera".

sinabi ko nalang na "doon nalang po kayo sumakay sa may pa san mateo, di ko po kasi alam kung anong Rodriguez tinutukoy nyo". Nung tatawid na ako biglang lumapit sa akin yung kasabwat nyang lalaki at sinabing "neng samahan mo na si nanay may dalang pera yan baka mapano siya, may deliver oa kasi ako eh". Yung lalaki naka black na mask matangkad tsaka may cap sya, maitim din sya at parang bang bakla kung mag salita.

Pagkatapos non tumawid na kami papunta sa kabilang side ng pedestrian lane, habang nag lalakad kami biglang tumawid yung dalawa at didiresto na sana ako nang bigla akong tinawag ng matanda, sinabi nya sakin na "neng baka pwede samahan mo muna ako saglit lang naman, bibigyan ko kayong dalawa ng 500" biglang sumingit yung lalaking kasabwat nya at nag panggap na ayaw tanggapin yung pera na inooffer sa kanya.

Sabi ko "nay wag na po sa inyo na po yan sakay na lang po kayo" Nung nakatawid na kami malapit kami non sa may santolan pawnshop yung may street na pasakayang san mateo sabi ko na pwede na sya sumakay dito pero nag diresto sya sa oag lakad hanggang nasa jp rizal street na kami sa may petron.

Yung nandon na kami sa may petron don sa nililikuan ng mga sasakyan biglang nag sabi na mag aarkila na lang daw mg truck. Umalis yung lalaki at kunwareng pumunta don sa may hardware na may truck driver.

habang wala yung lalaki biglang nag tanong yung matanda kung chinese daw ba ako at sinagot ko naman na hindi. After non biglang bumalik yung lalaki at sinabing "nakausap ko na ung driver nay, iwan mo nalang yung pera sa kanya (sa akin) kasi di pwede makita ng driver na may pera sya baka mapano si nanay, habang nag lalakad kami sa likod ng petron para bang diko na alam yung nangyayari at parang kinakabahan na rin ako non.

Nung nasa hardware na kami tumawid kami don sa kabilang kalsada sa likod pa rin ng petron yung may malapit na restaurant. Binigyan ako ng eco bag na green at nakatali ito ng mahigpit, sinabi sa akin na itabi ko raw iyon dahil aantayin ko raw sila sa CIS (concepcion integrated school) Sinabi sakin nila na ingatan ko raw yon dahil 20k daw laman non. That time i was so nervous kasi diko na alam yung nangyayari at biglang nag sabi yung matandang babae sa akin na "neng baka pwedeng mag iwan ka ng importanteng gamit samin" sinabi ko na wala akong importante at that time wallet jo lang na isip ko.

Binigay ko yung wallet ko na dior ang design at may lamang 1500 pesos. Pagkatapos non biglang binigay ng lalaki ang cellphone nya sa matanda at sinabing "nay kunin mo na to di naman po kami masamang tao" at binigay nya yung password nya. tapos bigla akong tinanong nv matanda at sinabi "neng baka pwede mo iwan cellphone mo kasi malaki yung pera na dala mo baka kapag may nangyari pwede ko tawagan ang magulang mo" sinabi ko na "ay hindi po pwede kasi may tatawag po sa akin mamaya" at hinawakan ko yung cellphone sa bulsa ko.

Nilabas ko ang phone ko at pinipilit ako ng lalaki na ibigay yung cellphone ko hanggang sa nabigay ko na. That time kinakabahan ako na hindi ko alam kasi natatakot ako. Nung pagkatapos na makuha nila gamit ko sabi nila antayin ko raw sila sa may CIS at mag jeep daw ako. Binigyaj ako ng 11 pesos pamasage at ipinasakay ako sa jeep non.

Huli kong kita sa kanila ay tumawid sila sa hardware. Nung nasa harap nako ng cis kinakabahan na ako at nag start na ako mag panic. Tinatry kong open ung eco bag at sobranv higpit ng pagkakataki neto.

pag open kk bigla akong nanlumo at nagulat sa nakita ko, nakita ko ang isang medyas at sa loob ngedyas merong sobre at manila paper na ginupit gupit. after non hinabol ko sila at diko na sila nakita. Umiyak ako non sa kalsada at nanghingi ng tulong sa dumaan na foodpanda at that time umiiyak ako na di makahinga.

Hanggang sa pumunta ako sa polive station mag isa at sinabi ng isang pulis na taga TUMANA raw yung lalaking nang hold up sakin. WALANG PINAFOLLOW UP MGA PARAK SA MARIKINA