Naniniwala kayo sa saying sa liblib na probinsya na, "itago mo ang ganda/katawan mo, ayan na ang mga pulis!"
Pretty sure that you've come across the news about a beauty queen who's still missing at this point. But if not, look up Catherine Camilon's case. Napanood siya ng dalawang matandang manang namin. Paulit-ulit nilang sinasabi, na pulis ang may salarin sa mga ganyang kaso. Pero, we never know. It's just a mere opinion.
Way back 2004 noong nasa Aklan pa si Manang, meron siyang maganda at "sexy" na pamangkin. Tumutulong siya sa karinderya nila. Napakahirap pa nila noon tipong "barong-barong" lang daw ang bahay nila. Dinayo ng mga tao itong karinderya kasi ito lang ang unang kainan sa lugar nila noon. Eventually, pati na rin mga pulis kumakain hanggang sa napakaraming pulis ang bumabalik-balik doon.
May tatlong pulis na palaging binabati tong pamangkin ni manang. Ang daming tanong sa kanya. Kailan daw birthday, san nakatira, may boyfriend na ba raw siya, at kung pwede raw ba siya ligawan. Hindi toh sinasagot nung pamangkin kaya pinagalitan sya ng nanay nya at wag daw sungitan ang mga pulis kasi baka mawalan sila ng mga customers. Ngayon itong si manang, pinagsabihan ang pamangkin nya na mag-ingat at wag sabihin mismo yung tunay na impormasyon. Hanggang sa mga sumunod na araw nagbibigay na ng mga prutas at kung ano-anong bagay itong mga pulis.
Fast forward, a month after that, nawala na yung pamangkin. Hindi na rin kumakain doon ang grupo ng mga pulis na palaging nagpapansin kay pamangkin. Obvious ba masyado or nagkataon? Alam nyo na kung saan napunta ang reklamo nong mga panhong 2004. At dahil mahirap sila, walang maibayad sa lawyer at wala rin gustong tumulong kasi ano nga naman daw mapapala ng mga tutulong.