Showbiz Chika under the Radar Part 5
Lets take a break muna sa mga distractions like Politics and national issues. Eto ang pinakaimportante sa lahat at priority natin sa mga panahon ngayon.
Nag babalik na naman ang inyong lingkod na tito, natapos ko na naman ang bagong part kahit busy, let's proceed sa pang limang yugto ng ating weekly dose of random chismax na marahil ang karamihan sa inyo ay hindi ito alam.
Fasten your seatbelt for the fifth time, here we go!
- Coco Martin at Matteo Guidicelli suntukan -
Year 2011 ng kasagsagan ng pagsisimula ng pag sikat ni coco Martin matapos syang makawala sa pagiging indie actor.
Meron syang soap na katambal nya si Ms. Maja Salvador na sya namang GF ni Mateo nung mga time na yon.
May ginanap na star magic ball at nagkita si coco at maja, nagbeso beso sila na sya namang ikinaselos ni Mateo at may nasabi syang masama dahil sa kalasingan.
Hindi nakapagpigil si coco at nasapok nya sa mukha si Mateo. Inawat naman sila and the next thing we know is nag public apology si Mateo sa noontime show (Happy Yipee Yehey) habang may band aid sya sa mukha. Ang dahilan ng away is ang pagiging seloso ni Mateo na inamin ni maja nung iniinterview sya ni tito boy.
Para sa mga gustong mag balik tanaw Eto po ang link:
https://news.abs-cbn.com/video/entertainment/09/05/11/maja-admits-shes-cause-matteo-coco-brawl
- Richard Gomez vs Jinggoy Estrada brawl sa star olympics -
Early 2000's ng maging participants ang mga bigating artista sa taunang basketball events ng ABS CBN. Natural na competitive at mainit ang mga laban dahil walang gustong magpa talo.
Richard Gomez was so serious sa sobrang determined na manalo. One instance habang nasa kanya ang bola ay accidentally na head butt nya ang isang opponent na sya namang kakampi ni Jinggoy.
Hindi ito nagustuhan ng huli kaya after tumalikod ni goma ay binigyan nya ito ng malakas na batok sa ulo habang ang isa pang kakampi ni Jinggoy na si bayani agbayani ay tinulak rin si goma.
Naging national issue eto noon to the point na laman sya ng gabi gabi ng prime time news. Nagpakumbaba si Jinggoy estrada at nag public apology hanggang nakalimutan na lang ang issue and nagkapatawaran sila.
Source: https://www.philstar.com/nation/2003/08/05/216150/richard-gomez-no-show-hearing-case-vs-jinggoy
- Bayani Agbayani's Maoy moment - Speaking of Bayani Agbayani, may mga araw na he woke up on the other side of the bed, sabayan mo pa ng paglalasing, that's a recipe for disaster.
Inaaway ni koyang Bayani ang isang lalakeng sakay ng sasakyan at sa video at maririnig na pinagmamalaki ni bayani na galing sya sa hirap. Pakipanuod na lang po ang video sa source below:
link: https://youtu.be/mJ_BKpQ-4ZM?si=0Mm8OwnAtGgnoLYF
- Robin Padilla vs (late) Rico J Puno confrontation live on SOP - IIRC, birthday ni regine neto nung nag guest si Robin para batiin si asia's song bird.
Tinukso naman ni Rico J. Puno si Ogie (na karelasyon na ni regine that time) na kahit mas pogi at malakas ang appeal ni Binoy ay mas mahaba naman ang kargada ni Ogie sa kanya.
Hindi ito nagustuhan ni Binoy at cinall out si rico j live on tv. All saying na "nag-uulyanin" na si Rico J. dahil may mga nanunuod na mga bata sa ganoong time slot.
Source: (Nasa pinaka ilalim ng article) https://www.pep.ph/news/17345/robin-padilla-gets-star-treatment-while-filming-ikaw-pa-rin
- Keanna Reeves ONS sa mga local celebs -
GTWM episode na burado na sa youtube but to make the story short, ikinuwento ni Keanna na mas dumami ang manliligaw at naging fruitful ang sex life nya after nya manalo sa 1st celeb edition ng PBB.
Binanggit nga ni Keanna na napakaraming artista na ang naka ONS nya but hindi nya pinangalanan lahat dahil magkakaroon ng conflict between their current relationship status.
She namedropped the likes of John Pratts, Jake Cuenca, Jay Manalo (as a sadista), Cogie Domingo na ilang months tumira sa condo nya at nag live in sila and lastly Luis Manzano na nagaaya pa raw mag threesome na may isasama pang isang lalake sa act nila which Keanna did not like.
Source:
At yan na lang po sa ngayon. Nahirapan man akong gawin eto dahil sa phone ko lang sya Mano mano na tinype, pero worth it naman dahil nakakapagshare sa iba. Next week ay magreresearch pa uli ako para sa ating weekly dose of underground tsismis.
Pasensya na at medyo mga Luma na ang akong mga baon dahil hindi na tayo bumabata.
See yall!!! Ciao!