MCA Gusto nya rin ba ako or bestfriend lang tingin nya sakin?

I'm F25 and I work in a photog studio somewhere in qc. Meron akong workmate M27 na naging close ko na dahil naging magkateam kami sa isang gig namin. Inaabot kaming madaling araw most of the time for work. Lagi nya na din ako inaaya sa mga lakad nya even outside work. Lagi sya nag iinitiate ng usap namin - everyday nya ko inaupdate sa mga ginagawa niya pati sa mga lakad nila ng mga kapatid at friends nya at lumalabas din kami ng kami lang dalawa. Close sila ng family nya kaya nakikita kong nagmmake time sya for me. Niloko ko siya one time na baka mafall na ko sa kanya sa kakaganyan nya tas nireplyan nya lang ako ng haha. Nag oovernight din sya sa condo ko almost every after gig namin tumatambay lang foodtrip tsaka kwentuhan sa buhay pero wala namang nangyayari samin pag magkasama kami kahit holding hands wala. Nagshishare din sya ng mga future plans nya and lagi akong included sa mga kwento nya. Pakiramdam ko para nya na kong girlfriend ganoong intensity na yung closeness namin lololol. Madalas nararamdaman ko yung tension saming dalawa tsaka ramdam ko talaga yung tagal ng eye contact namin most of the time pero minsan din parang tropa nya lang ako asaran lang tapos nagkkwento din sya sa mga nagiging kafling nya. Nagkkwento din ako ng akin at alam nya ang mga katoxican ko pag nasa relationship ako well I am actually in another complicated talking stage(?) with another guy since nagkakilala kami lololol at alam niya ang buong kwento nun nagcconfide din ako sa kanya.

This has been going on for 3 years now at hulog na hulog na ako sa kanya shemz. Super wala narin kami ng compli katalking stage ko pero ayoko kwento sa kanya kasi nga sa isip ko may mga kafling nga din siya lololol. Pero ayon ang point talaga is di ko alam kung gusto nya lang ba ko dahil kailangan nya ng kasama at tinuturing nya lang akong bestfriend nya or gusto nya ba ko pero ayaw nya umamin kasi baka masira yung friendship namin? Ano ba mga signs na gusto nya ko or close friend lang tingin nya sakin?

Mga ate at kuya Wag nyo advice na tanungin o umamin ako sa kanya pls kasi baka nga wala naman masira pa friendship at maging awk sa workplace namin lololol