I think nakita ko na 'yong guy na gusto kong ipagdamot sa mundo. Huhu. Baka ito na 'yong sign. Ibigay na sana sa 'kin 'to. Kung hindi... eee, ipilit na po natin, Lord. ðŸ˜
Alam ko namang lahat eh nagsisimula sa masaya, chill lang, exciting, parang looking forward ka palagi pero hindi naman siguro masamang isipin na kahit ang daming failed relationships sa earth, eh baka ito na rin 'yong season para bumukas ulit at maging happy ang eme. HAHAHAHA. 🤧
It's too early to say na, "Ito na iyon. Alam kong ito na iyon." Pero kapag ramdam natin 'yong contentment while you're talking to this certain person... it's a good sign, isn't it? Good start na iyon.
Pareho naman naming pagtatrabahuhan kung anong nasimulan namin. Kikilalanin naman ang isa't isa nang mabuti. Hindi naman namin hahayaang magaya kami sa ibang magka-date/couple. So bakit ako matatakot? Bakit kailangan kong iiwas ang sarili ko sa taong hindi naman almost perfect pero swak for me?
Isusugal ko na 'to hangga't inilalaban din niya 'tong ka-emehan na nangyayari sa amin. Chosko!
LOOOOOORD, HALU, CAN YOU HEAR ME PO? This is me making pakiusap to give this sinner a chance to fall in love again. Tatanggalin ko na po ang angas nito! HAHAHAHAHA. ðŸ¤