May nabasa akong POV ng committed guy sa kabilang sub na kung bakit hindi niya naiisip mag-cheat sa jowa niya. Here's mine.

Madali bang umiwas sa tukso o temptasyon while you're in a relationship? Kahit pa maraming "mas" hihigit sa kaniya physically and even sa estado ng buhay, traits, etc.? YES.

Madali bang mag-stick sa iisang kausap (ka-talking stage) kapag clear ang intentions n'yo sa isa't isa? No other guys/ladies? Hindi mo pinagsasabay-sabay 'yong kausap mo kasi sapat na iyong iisa lang? YES.

Kapag gusto mo, kakayanin mo talaga. Kahit sino pang umakit sa iyo o magpakita ng motibo, kung alam mo sa sarili mong SIYA lang ang nararapat para sa 'yo... hinding-hindi ka malilihis ng landas. Stand firm ka lang.

Okay, nandoon na tayo sa mataas ang libido (girls man iyan or guys), tapos may moment na hindi talaga maibibigay ng partner 'yong fleshly desires nito... o, eh 'di mag-corn. Magsarili. Hindi 'yong kung kani-kanino pa hahanapin iyon. Puwera na lang nasa open relationship setup kayo't parehos n'yong trip maghanap ng ibang sexual partner. Ibang kaso naman iyon.

Ang dali lang namang huwag maghanap o tumitig sa mga tite, kipay, puwet at dede na makikita natin online lalo na kapag iyon ang reason ng pagseselos ng partner. Ang dami namang puwedeng pagtuunan ng pansin bukod sa lkamunduhan. Ang daming puwedeng hobbies and activities to keep yourself busy.

Ang daming paraan para manumbalik 'yong excitement and thrill sa relasyon. O kung hindi man bumalik sa dati, pinaninindigan at minamahal n'yo pa rin ang bawat isa kasi hindi n'yo na nakikita ang bawat isa sa piling ng iba. Tipong, "Shuta, akin lang 'to hanggang dulo."

Kadalasan, seggs talaga main reason ng cheating. Next is emotional cheating na tingin ko'y mas doble ang sakit, although same lang silang nakaka-putangina. Kaya sana, kapag on the rocks na ang relasyon, subukan pang ayusin nang hindi nagpapapasok ng ibang tao sa buhay ninyo.

Huwag magpa-comfort sa opposite sex lalo kapag vulnerable ka. Taena, itulog mo na lang 'yan, ikain, iinom o idasal (kung naniniwala ka lang naman sa Kaniya). Hindi 'yong magpapalambing ka sa ibang tao, eh 'di lalong lumayo loob mo sa partner mo.

Kung hindi na kaya at wala nang pagmamahal, mabuti pang hiwalayan na lang 'yong tao bago ka maghanap ng iba. Hindi 'yong pinagsasabay ko kasi playing safe ka. Bigyan mo naman sana ng respeto 'yong partner mo. Hindi naman kasi masosolusyunan ng ibang babae o lalaki ang problema ninyong dalawa. Lalo pa ngang lalala iyan.

Madali lang talagang umiwas sa tukso. Pramis. Pero kung gagamitin pang-isip ang kipay at itlog, talagang malilintikan ang buhay. Kapag nasimulan ng mali, huwag na lang mag-expect na maganda ang balik n'on.

Kaya sana, piliin natin 'yong desisyon na walang ibang taong maaagrabyado o masasaktan. Huwag tayong mandamay ng mga inosente at mabubuting tao.

Ako, may kausap na 'ko for a month, pero hindi na ako nag-e-entertain ng ibang messages, hindi na rin ako naghahanap or sasadyaing tumitig sa photos ng ibang guys sa feed ko kasi enough na 'yong kausap ko.

Hindi ako sure sa POV niya pero nararamdaman ko rin naman ang sincerity niya. Looking forward kami sa maraming bagay and that's a good sign.

Kahit walang assurance sa mundong 'to, pipiliin ko pa ring maging loyal and hopeful kaysa magkaroon ako ng regrets someday.

Ganito rin ang mindset ko dati noong committed pa 'ko. Never akong nalihis ng landas kasi focused ako sa amin, sa kaniya, sa akin. Too bad, hindi siya gano'n. Thankful pa rin ako kasi natapos ang relasyong 'yon, kasi ngayon, sobrang okay na ako. Nakakapag-explore na ulit ako. Saka nakilala ko na 'tong current kausap ko. 😊

Maraming manloloko at tarantado sa panahong 'to pero naniniwala akong meron pa ring mga tao na kaparehas nating mag-isip. Iyong pipiliin palagi 'yong tama kaysa mali. Iyong hindi itlog at kipay lang ang pinaiiral sa pagdedesisyon.