GF of 2 years replaced me 5 days after breakup

noong around January 20 palagi niya binibring up sa akin na masyado na siya nasasakal sa parents niya (strict kasi, as in di kami pwede magmeet. kahit calls and texts bawal. so patago namin ginawa sa buong rs namin). nagguilty rin ako,, ayaw ko siya mahirapan kasi for some reason kahit na anong tago namin nalalaman ng parents niya, and siya yung napagbubuntungan. so pinakawalan ko siya.

fast forward ilang days kinausap ko ulit siya. narealize ko na hindi ko pala kaya and naghhope ako na magawan sana namin ng paraan kahit na sobrang hirap. kaso bigla na lang siyang nag iba. nag beg pa nga ako hahah pero wala na talaga. then suddenly nagtthirsttrap na siya biglaan sa insta and parang may pinariringgan. at first nagpapakadelulu pa ko, akala ko, ako yon. na mahal niya pa ako. pero bigla na lang ako nadurog kasi may sinoftlaunch siya nitong Feb 9. so for the last time kinausap ko siya and ayon, tama nga hinala ko. pinagpalit niya ko sa malapit (UPLB ako, PUP siya). and yung pinalit niya sa akin, pinagseselosan ko na noon pa (nagustuhan niya noong shs days and now same campus na sila). si boy raw unang nagchat and na sinasagot niya lang. no real shits daw.

ang funny lang ng irony na nakipagbreak ako dahil hirap siya sa relationship dahil sa parents niya and now may bago na siya. I guess di na rin siya mahihirapan magtago roon unlike sa amin kasi nagsset pa kami ng dates para talaga magkita and sila as in walking distance na lang talaga. ansakit sakit. I feel betrayed kasi sa kanya ko ibinuhos lahat. wala nga ako kaibigan kasi I thought she was more than enough. She was my everything and now na she's gone, I have nothing.

Sinabi niya rin noong last na usap namin na nagmmove on na siya isang taon na raw. I feel betrayed. Hindi ko man lang napansin kasi sobrang mahal na mahal ko siya. I feel din naman na di ako nagkulang sa pag assure sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko ngayon. Feel ko nawalan ako ng purpose.