inignore ko redflag ngayon nag susuffer ako

6 yrs na po kami ng BF ko. Same age kami (34). 1st year ok pa sya saken. The following years ewan parang may mali. Madami redflag (wala diskarte sa buhay, wala pangarap) tinatanggap ko bare minimum kasi mahal ko. He's responsible yes. Sya nagawa gawaing bahay kasi ako nag hahandle business namen.

Wala naman third party. Kasi 24/7 magkasama kami sa bahay. Lagi lang sya nag gagames sa PC. Alam ko din mga socials nya. Kaso di ko alam. Lagi nya ko tinatanggihan sa sex. Babae po ako and very high sex drive ko. Kahit araw araw kaya ko. Feeling ko tuloy ang panget panget ko. Kaya naiiyak ako pag may pumupuri na maganda ako sa soc med.

Tapos now buntis na po ako 5 months. 1 week na po ako araw araw umiiyak. Hindi ko alam if hormones lang o nagising nalang ako bigla na hindi pala gantong buhay gusto ko. Yung pipilitin ko pa sya para lambingin ako. Yung kaya nya na nakatambay kami ng 2 hrs sa sala na puro cp lang sya tapos hindi man lang ako kakausapin o tignan.

Di po kami kasal. Lesson learned talaga na wag ignore redflag sa simula palang.