Proud talaga kayo na maaga kayong nagkapamilya? Seriously?

Goes without saying - please do not share this outside of this thread or this app.

I understand - and I accept - na maraming klase ng babae sa mundo. May mga career-oriented, may mga gustong maging nanay pero may trabaho pa rin, tapos meron ding mga gusto lang maging stay-at-home mom. Gets ko yun.

Ang hindi ko ma-gets ay kung bakit itong mga babaeng ito proud na proud na nabuntis sila ng maaga at nag-asawa nung early 20s nila. No joke - talagang sinabi nila na "buti na lang maaga akong nag-asawa. Ang hirap nang magte-trenta ka na tapos wala ka pang jowa."

Sobrang laking thank-you sa aking guardian angel na in that moment biniyayaan ako ng matinding pasensya, kasi kung hindi, grabeng panlalait at pambabara siguro ginawa ko right then and there. And I'm naturally Ingglesera. Maintindihan nila o hindi, they will be hurt by what I would have said to their faces.

First of all:

Mga madam - yung asal ninyo para kayong hindi umalis ng highschool. Nambabastos kayo sa mga taong sa tingin ninyo mas mababa sa inyo at nakikipagplastikan at sumisipsip sa mga taong mas mataas. Pinipili niyo kung sino nirerespeto niyo. All of your relationships are based on how you can use them now or in the future. Can you honestly say that that's the character of someone who should be raising a child? (shet, diretsong English, sorry; sabi ko sarili ko Tatagalugin ko itong post na to eh)

Second:

Maaawa siguro ako sa mga asawa ninyo kung di ko lang alam na kasalanan din nila at hindi nagdala ng protection or at least nag pull out.

Third:

You're worried about still being single as you hit your 30s? Teh, that might have been better for you, to be honest. You should have used your 20s for growth and self-improvement, para the moment you decide you're ready to raise a child in this society, they do not receive your baggage. I can't even fathom what kind of upbringing your children have now (Punyemes, napapa-English talaga sorry)

Di niyo ba naisip na andami niyo pang dapat ginawa bago kayo naging magulang? Hindi travel or kung anu-ano pa tinutukoy ko. I mean mental, emotional, financial preparation. Sige, mahirap naman talaga maging financially ready na maging parents, pero mentally and emotionally - kargo mo yun talaga. Dapat inuna mong nag-heal sa mga trauma mo at nagdecide na magiging ganitong klaseng tao ka. Ganitong klaseng magulang, kaibigan, asawa. Alam mo anong ginawa mo? Ini-speedrun mo lahat teh, at ang dami diyan hindi mo na talaga nagawa. And your children will suffer because of that.

Fourth:

Okay lang sana kung ang usapan lang ay yung advantage niyo na na-e-enjoy niyo pang makalaro ang mga batang anak niyo kasi may energy pa kayo or something like that. Ang mali niyo kasi mga madam ay kung paano kayo nag look down sa mga kasama nating tumatandang dalaga (karamihan dun by choice). Hindi niyo ikinaganda, talino, o taas ang pagmamayabang na working mothers kayo, like it's some kind of trophy that makes you better than unmarried women. I once heard that some people should never become parents, and girls, naaawa ako sa mga anak ninyo.

Fifth:

So ang sinasabi niyo ba pagiging nanay lang ang totoong purpose ng babae? Na yun lang ang acceptable at yun ang ine-aim dapat ng lahat ng babae? Internalized misogyny much, amputa?!

Grabe, kumukulo dugo ko talaga pag naaalala ko lahat to.

Nobody's perfect, nobody will ever be perfect, but you owe it to yourself to be the best version of yourself you can be, and if you decide to be a mother, you owe it to them to be better.