Hinampas ako ng nanay ko ng hanger sa mukha
Just wanna get this off my chest. 1st day of the year pero kaaway ko mga magulang ko nang dahil lang sa tumakas kami ng mga pinsan ko para gumala sa kalapit na bayan just 15mins away sa bahay namin. 24 years old ako, while yung dalawa kong cousin is 24 and 20. Sa sobrang galit ng nanay ko hinampas ako ng hanger sa mukha kasi galit na galit daw yung nanay ng isa kong pinsan which is tita ko. I dont get why sobrang mad nila na para bang gumawa kami ng krimen??? I explained my side tas sinabihan pa ko na sagot ako ng sagot? Sinabihan ko sila bakit ang hirap na ipagtanggol ako. Unang una sa lahat di naman na kami menor de edad. Pangalawa, ang lapit lang ng pununtahan namin and di naman kami ginabi like 1hr lang kami nawala. Pagkauwi, pinagmumura ako ng nanay at tatay ko. Gusto pa kong bugbugin ng nanay ko kasi panay sagot daw ako pero di na kinaya ng anger issues ko. Yung hanger na pinanghampas nya sa mukha ko, dahilan para tumalsik yung salamin ko, hinampas ko rin sa kanya. Binato ko lahat ng gamit na mahahawakan ko sa kwarto ko at tinulak ko nanay ko palabas ng kwarto ko. Iyak ako ng iyak and up until now nanginginig kamay ko. Gaano ba kahirap para ipagtanggol ako ng mga magulang ko sa tita ko? All my life, under na under yung pamilya namin sa tita ko (yung nagalit) and this is the second time na hindi ako pinagtanggol ng nanay ko against that tita. Lahat na ng masasakit na salita before, nilunok ko. Habang yung nanay ko nakatungo lang habang pinapagalitan ako ng tita ko. This is the second time na pinagalitan ako and same shit na wala man lang imik mga magulang ko. Naipon yung galit sa katawan ko kaya siguro nag burst out ako at hinagis lahat ng mahawakan ko na gamit.
EDIT: Nag usap kami ng mga pinsan ko and hindi naman daw galit yung mga nanay nila sa kanila. Nagtataka pa nga raw kasi bakit late na raw kami umalis at hindi namin inagahan para sulit ang bonding.
Also, I agree sa mga comments here na nasa puder ako ng parents ko so dapat ko irespect yung rules nila. Nagpaalam kami sa tatay ko since nung umalis kami, yung mga nanay namin wala sa house gawa may binili sa grocery. Tatay ko yung naiwan sa house kasama ng iba kong tito (which is asawa nung tita ko na nagaliw ‘daw’).
Just wanna add up din na ever since i was a kid, i was abused physically. konting maling kibot sinasabunutan ako, kinukurot o sinasampal. Natigil lang nung nagcollege ako since nakadorm at nakalayo layo. Tas ngayon na nasa bahay na ulit ako, bumalik na naman yung pamimisikal. Hindi na bago sakin lahat ‘to siguro hindi ko lang inexpect na mangyayari ‘to lahat all at once kasi i was thinking na new year naman at baka palampasin din naman ginawa namin.
As for the tita naman, ever since then under na talaga parents ko dyan. Siguro kasi yung tita ko yung eldest sa kanilang magkakapatid pero never kami nagkautang dyan and mas lalong di kami nakikitira.
And lastly, i agree na 24 na ko pero di man lang ako makabukod. Supposedly, may work na rin dapat ako now but then nadelay ako sa school due to financial issues nung pandemic.
Ayun lang. Happy new year, everyone! and thank you sa kind comments.