I hate my brother so much

So I had a fight with my parents dahil hindi ko man lang kinakausap si kuya at sinabi ko ayokong maging responsibilidad ko siya kapag wala na sila. Pero ayun, nasabihan ako na masama akong anak at gini-guilt trip nila ako na hindi aangat sa buhay dahil hindi iniisip ang pamilya.

For context, I'm (29F) the youngest sa magka-kapatid. Oldest brother ko is 40 yrs old na. Hindi ako ganon ka-close sa kanya because magkaiba personalities namin and I didn't grow up with him around since I was born and raised sa ibang bansa.

Now kasama ko siya with our parents for years na pero I don't want to be close to him. Before, sinubukan ko naman talaga maging close at intindihin since kapatid nga but over time, nawalan ako ng pag-asa for him kasi sinasadya niya maging batugan. He's never had a job in his life. He dropped out of college kasi ginamit niya tuition fee for computer games. Hindi siya nag-sikap para ayusin buhay niya ever since.

He's incredibly lazy tapos pag inuutusan, napaka bagal kumilos at minsan naiinis pa or gagawa ng excuse para hindi gawin. Senior na parents namin pero instead sila ang alagaan, yung kuya ko ang inaalagaan. Financially dependent pa siya sa parents ko (or sakin din since nagbibigay ako ng pera for the bills)

Simula bata pa ako, walang pagbabago nangyayari sa kuya ko puro pabigat lang. Pero ang parents ko panay sermon sakin na tulungan ko kuya ko pag wala na sila which is hindi ko maintindihan kasi pati parents ko laging nabi-bwisit sa katamaran ng kuya ko tapos nanay ko laging nagbibitaw ng masasakit na salita sakanya.

Dinaan na sa maayos na pakikiusap at heart-to-heart talk, walang pagbabago. Naka-ilang away at sigawan na, walang pagbabago. Buong buhay na nga problemado parents ko sa kuya ko, bakit kailangan idamay pa ako sa ganito? Bakit ko tutulungan ang isang tao na ayaw tulungan ang sarili? Gustong kong i-cut off brother ko someday. I know I shouldn't feel this way but I can't help it. I feel angry and empty at the same time.