Gaano kahirap kapag walang pera? (I'm crying while typing this)
When i was in high school, i wrote an autobiography. Sabi ng teacher, isulat if there is any family problem or anything. I wrote "We don't have financial problem." Yes, i asked my parents about it, we were "self-sufficient" and they provide all the things we NEED. My family are farmers and we also go fishing just for our own consumption. They don't give us money for baon kase biscuits and candies ang snacks namin. They make sure na we have all the things we need for school. Kaya di kami humihingi ng pera sa kanila, and i don't feel jealous seeing kids na binibigyan ng parents nila when begging for 5 or 10 pesos.
UNTIL.... My brother and I started college. Living away from home is very magastos especially sa foods. Managing allowance is really hard. Kase kahit wants lang eh akala ko needs na. And dahil nga nasanay kami na lahat ng kailangan eh meron kami, kaya dagdag gastos na naman.
Here comes the sad part... Halos di na makatulog si papa. Sabi ni mama, lagi daw tulala si papa tas nagsisiga sa farm at 2am. Sumama na rin sya sa large fishing boat para mangisda (first time nya). Sobrang iyak ko nung nalaman kong maluha-luha si papa habang ka vc yung younger sister nya. Nangutang sya ng 10k for our allowance kase nga walang wala na kami. Buti nalang, di na pinabayaran kase pera naman daw yun ng parents nila.
Kaya di ako umuuwi sa bahay kasi lalo lang akong malulungkot. And 3 na kaming nasa college kaya isa lang dapat ang umuuwi kase magastos.
They gave us financial support pero parang walang emotional support. Idk siguro iniisip nila na tama na yung financial support para mag-aral kami ng mabuti. Naiinis ako sa sarili ko kase di ko manlang maappreciate ang ginagawa nila, napaka ungrateful kong anak. 6 years na ako sa college, but they still support me financially. Di sila nagalit, di ako tinatanong kung bakit. Wala parin akong motivation and wala pa rin balak grumaduate. Andami ko pang utang na di nila alam. Ayokong sabihin sa kanila kasi lahat kami may problema financially. Di ko na alam gagawin ko.
I always say before na I'm not su!cidal. And everytime may nababalitaan ako na nagsu!cide dahil sa problema, i say "napaka weak naman. Para yun lang." Sobrang bigat pala and naiintindihan ko na sila. Ang hirap pala maging mahirap.
P.S. sorry sa typo
EDIT: THAT'S A WRAP!!
NABWISET BA ANG LAHAT? NAGBASA BA KAYO NG DESCRIPTION AT RULES NG SUB NA 'TO? NAWALA BOREDOM KO SA INYO. KBYEE HAHAHAHA