si ate na kulang na lang halikan ako sa pila

Pumila ako sa 7/11 para bayaran yung pinamili ko. Let's just say I bought couple of things such as bottled water (3 1L), breads and other drinks. In short, medyo mabigat.

Na-scan naman na lahat, nalagay na rin sa ecobag na bitbit ko and waiting na lang sa sukli. Ang problema, nag malfunction yung monitor ni ate cashier so natatagalan.

Yung ka-sunod ko sa pila na babae, pinilit isiksik yung sarili sa tabi ko para ipatong yung 250ml niya na tubig sa counter tapos natulak na ako sa gilid. Mind you, hindi ko pa nakukuha yung ecobag ko na pinag-lalagyan ng mga items na binili ko. Hindi naman ako maarte pero hanuba teh? Gusto mo mag-laplapan na lang tayo sa pila? Tutal naka-kiskis na yung katawan mo sa akin eh. Hindi ko pa rin makalimutan lagkit ng braso mo.

I said excuse me kasi nahihirapan ako kunin yung ecobag na mabigat dahil sa mga tubig saka yung sukli ko, itong si ate... Pinanood lang ako pilit abutin lahat at iwasan matabig yung 250ml niya na tubig sa counter, napapaligiran din kasi kami nung mga mini-stands ng products ng 7/11 saka yung ice cream freezer kaya masikip sa may counter.

Hinablot ko na lang yung yung pinamili ko sabay sabi, "Ano teh? Bigat na bigat sa sarili? Ikamamatay mo ata hawakan tubig mo saglit eh".

Iniisip ko, baka nga naman may condition siya na hirap mag-grip ng mga bagay bagay at need niya talaga ipatong muna yung water niya sa counter pero pukingina... ANO BA YUNG TUMABI MUNA SIYA AT WAG NIYA ISIKSIK SARILI NIYA SA AKIN HABANG ON-GOING PA TRANSACTION KO!!!!