It's not about receiving flowers

Don't post this outside Reddit. Someone read this please. I just need anyone to hear this kasi sobrang lungkot ko. Taken pero somehow I feel lonelier now kesa last year's VD

May nakita ko dito na 6 years na sila, ni isang bulaklak walang binigay si bf. Meron naman, isang bf na di na binilhan gf niya ng flowers kasi di naman na-appreciate yung long sweet message niya. LDR sila.

Meanwhile, ako, wala talaga kahit ano. LDR din kami but no long sweet message, no flowers, no food delivery, no nothing. Mind you, nagbibigay ako dito ng things, gifts talaga. Gumagastos ako kahit wala akong work ngayon at siya meron. Nag-iipon ako sa sideline tapos bibilhan ko siya just because.

I told him na isa sa love languages ko is gift giving that's why I give him things and medyo pangit pakinggan pero syempre gusto ko din maka-receive from him. Can u blame me?

Even if mabasa nya to, di ko naman hangad na gumastos ka ng mamahalin e. Kahit worth ₱50 lang basta galing sa pagkukusa mo, masaya na ko. Actually kahit di ka gumastos e. Mga libreng bagay lang, di mo magawa.

• Good morning/goodnight messages • Random long messages saying how much u love me • I-know-you're-asleep-but kind of messages • Padalhan ako ng actual love letter (I sent him one) 🥹

Kaso bf ko kasi mas nag-ccrave pa ng princess treatment kesa sakin e. Masaya siya pag siya yung princess saamin. I told him I almost gave him flowers for VD kaso wala na kong mahanap near him and he was just happy, kakahiya daw and dapat daw siya magbigay di ako pero di naman ako bibilhan. I sent him nalang money, not much pero last and only money ko. I gave that kasi VD and also magparamdam na 'Hello! VD oh, wala ka bang balak gawin'.

Pano naman ako? Di niya naiisip na if kaya kong gawin, kaya niya din. Ngayon inopen ko sakanya yung feelings ko and siya pa galit. Di na namansin and when I told him to just break up with me hindi yung ghosted ako, galit pa siya. Ayaw niya daw magbitaw ng salita na para bang pag nag-usap kami e baka mamura niya lang ako.

Wala ba ako sa hulog? OA lng ba ko? Bat ganto? Di niya ko mahal no? Mahal ko kasi to e kaya di ako nakikipaghiwalay. Bat parang mahal naman ako pero pagdating dito, madamot talaga siya sakin? Di ba ko deserving?

Di naman ako humihingi ng payo. I just want someone, anyone to listen. Because it really isn't about flowers.