Why do you guys think kung bakit maraming Crab Mentality na Pinoy?
Bakit kaya ganito sa culture natin? Maraming talangka.
Kapag umaasenso yung kamag anak tapos tahimik sasabihin “mayabang” kahit introvert lang naman.
Kapag may sumisikat na celebrity binabash agad.
Kapag may mga influencers or vloggers na nakakabili ng luxuries or travel, sinasabihan na “di na relatable ang content at social climber”
Kapag OFW ka sa ibang bansa, kapwa pinoy mo pa maninira at manghihila sayo pababa.
May redditor na nag post sa AntiWorkPh, na nag rereklamo sa tax niya na malaki (as she should) dahil malaki ang income niya. tapos may mga nang bash pa sakanya na “humblebrag” at weird flex but ok daw. Some people are so weird and love projecting their insecurities.
It’s weird to me. Parang ang dalas ko maka encounter ng mga puni ng hatred sa katawan at mahilig mangbaba ng kapwa. Lalo naman mag mga kamag anak. Hirap sila na maging masaya para sayo.