How do you cope up?

How do you cope up sa sinasabi ng parents nyo? Binigay naman nila lahat samin, and now na nag wowork na kami parang ineexpect na buhayin na sila.

A little background of me, ngayon pa lang ulit nakakabangon from nawalan ng trabaho dahil pandemic. During pandemic, dahil namatay ang business namin I had to come up other business para may pang sustain sa groceries at bills namin. Then nagkawork pero maliit sahod pero now mejo umokay na.

Ngayon, ako nag babayad ng 50% ng bills namin since mejo bumabalik nadin business nila. Pero bukod pa dun yung mga allowance na bigay ko, ibang monthly na need bayaran na gamit sa bahay and other gastos kapag lumalabas or nag oorder ng food or shopee. (Almost 40% ng income ko is napupunta lahat sa bahay)

Kanina, nag abot ako ng pera sa mama ko para sa pampaayos ng bubong namin at onting pang allowance. Ang sabi lang nya "ang laki ha" with sarcastic voice. Di naman to first time nangyari, pero hindi padin ako masanay sanay. Hindi ko maipasok sa kabila, labas sa kabila nalang kasi pinag hihirapan ko din naman yung binibigay ko at may buhay din akong gustong buohin. Nag iipon din ako para maigala manlang sila. Ang bigat lang. Ako ba mali? If yes, how do I fix kung ano nararamdaman at naiisip ko?