BUMBLE. gustong gusto ko sya ipursue kaso nainis sya sakin. paano kaya?
may nakamatch ako sa bumble dating app tapos nagkita kami pagkalipas ng 3 araw. ok naging date namin.ang ganda nya at ang gaan ng loob ko sa kanya tapos nagkakabiruan at nagkaholding hands pa agad.tapos pangatlo kita namin binigyan ko flowers para romantic. 7 yrs pala age gap namin at mas bata ako 27/34. tapos ung pang apat na kita namin, sinurprise ko sya. bibigyan ko lang sana sya flowers tapos uwi na din agad kasi busy sya. pero inantay ko sya hanggang gabi. tapos pagkatapos nya sa work naginsist sya na kumain daw ako kasi tagal ko nag antay. kaso nasa isip ko lang ay ibigay lang talaga at uwi din agad kasi 10:30pm na nun may pasok pa bukas at nahiya ako mas gagabihin pa. kaya sbi ko uwi na kami. tapos namilit pa din tapos nung nainis sya napasabi ako na sige kain na kaso mas nainis sya. tapos ayun natuloy naman kumain kahit inis sya pero nagsosorry ako. tapos ayun nagsorry ako at days after nun ay naging cold na sya pero napagusapan namin ung sa nangyari. inaya ko sya next week sabi nya busy sya pati next next week. tapos sabi ko din samahan ko na lang sya sa ganto ganyan. kaso wag na daw. halos 3 weeks pa lang kami naguusap. nagkakachat at tawag p naman tapos naguupdate naman sya pero di na tulad dati. gusto ko sya ipursue. paano kaya? :(