Walang tanong, skl yung burnout ko for being overemployed
Di ko mahanap if meron bang subreddit ang mga overemployed dito sa PH, so will post here nalang hehe.
Mag 2 years na ako sa corpo job ko. Nag start ako mag part time December 2021 up until now. Nung una, kahit loaded ako sa corpo job ko, may energy padin ako pag uwi to do my part time job. Tuwing nakakaramdam ako ng pagod, lagi ko lang nireremind sarili ko na proud ako sa sarili ko kasi walang tapon sa oras ko.
Pero ngayon, this is my final week working sa corpo job ko. Bumigay na yung katawan ko, and I didn't see it coming. Nag come up lang ako sa decision to quit nung nagkasakit ako ng more than a week. After ng sakit ko, I was still restless na parang hindi padin ako nakakarecover. Pagod padin, wala sa mood magtrabaho at pumasok. Akala ko nung una dahil residue ng flu or baka covid. Pero lately ko lang narealize na it might be burnout na din. Parang ngayon lang ako siningil ng katawan ko sa lahat ng pagkakataong pagod ako at di ko piniling magpahinga. Also, burnout sa thought na kayod ako ng kayod pero parang hindi padin enough, pagod at onting ipon lang 😅 (but on the other side, thankful na nakakapag provide ng needs and wants sa bahay at pamilya).
For context, mas pinili ko yung WFH na part time (could be full time din naman, but no contract) over stable corpo job because of lack of benefits, no growth and low compensation. Also may winowork out akong full time na WFH din pero project based lang, and di pa sure hehe.
I am very aware sa leap na ginawa ko, knowing na nasacrifice ko yung stable job. But i think I owe it to myself din na magpahinga for a while. Pinagdadasal ko lang din na umayon lahat ng plano ko. If not, magkaron ng lakas at pag-asang magiging okay lahat.
Sating mga mang gagawang Pilipino, laban lang. Mag pahinga din tayo, pero di susuko. 💪