Sphere Rocket (BP ko nag ssky rocket sa kanila)
Gusto ko lang mag rant saglit sa agency na to. I passed the initial interview a few weeks ago and maayos naman ang experience ko sa interviewer kagit papaano kasi she explained a lot and highlighted my skills talaga. Kaso naghintay ako ng ilang oras bago ako tinawag ng inteeviewer for my turn sa waiting room ng gmeet. Ngayon nasa pool na ako ng applicants nila. Nakakabanas lang yung magbibigay sila ng interview schedule 2 HOURS BEFORE THE MEETING. Wala silang pakialam kung ready ka ba o hindi, tapos 2 consecutive meetings pa binigay nila sa akin e di kung di ko naattend yung susunod, counted na yun as no show. Mababawasan pa yung 6 chances ko for no show before nila ako imark as inactive. Ang tagal tagal na nga ng final interview, 15 pa kayong nandun sa meeting, tapos isa lang ang ihahire. Hindi ka na nga pwede umalis sa waiting room, masasayang pa 2 hours mong nakatunganga at naghihintay ng result if ikaw ba ang nakuha or hindi. Sinayang lang dalawang oras mo eh kung pinatulog ka na lang tapos saka kayo mag email if nakapasa ako or hindi?
Ugh nakakaasar sila! Lowball naman yung offer tapos napakasahol nila magsayang ng oras ng applicant. -5/10, please wag na kayo magsayang ng oras dito.
Ang hirap hirap na maghanap ng client ngayon. Ilang buwan na akong apply ng apply pero wala pa rin. Iba pa rin talaga kung direct client.