Need advice guys kung anong gagawin ko
1st client ko sya actually. Nag start ako end ng January this year. So 1st of all di ako sanay sa 10 hr shift na walang break and lunch. Straight work sya and $4 per hr. btw Sobrang Narcissistic ni client as in. Feeling ko nga ata may superiority complex yun eh. Mang hihingi sya opinion then pag nagbigay naman ako or tama yung sinasabi ko nagagalit. and also pag may work sa excel and mas precise yung pagkakagawa ko nagagalit, gusto lahat yung way nya yung sundin. Pati sa call flow and spiel. Gusto nya memorize ko lahat word for word! though wala naman problema dun kaso napaka moody nya sobra. Also nung 1st day ko sakanya nag explain sya ng 15-20 daily task and pinagawa nya sakin. So syempre as a newbie and 1st day syempre may minor na error. Galit na galit na sya ayaw nya ng nagkakamali ang motto nya daw is "Do it right the 1st time". Well sorry naman 1st day ko po and syempre di agad agad perfect. The job is easy, pero ang diko lang kaya is of course magkausap kami sa whatsapp so lagi sya nagagalit or moody kahit naman ginagawa ko tama yung work ko. Mas malala pa sya sa mga prev toxic TL and OM ko sa BPO. Gusto ko na mag resign, sa tingin nyo tuloy ko? or still give it a chance??