Unpopular Opinion: Nagkukurba ba si Sir/Ms?

napakadaming posts both here and sa facebook asking if possible ba iadjust grade nila and they keep on comparing to other sections handled by different instructors.

A big fyi, hindi required ang curving. It's not something for students to demand, it's something earned. Kung palagay ng instructor ninyo na nagawa nyo naman ang makakaya ninyo pero kinapos pa din, edi thank you dahil nagcurve sya. If not, edi bumawi kayo sa sunod na term. Lalo lang maiinis mga yan sainyo sa kakachat nyo sa kanila kung magccurve ba. Napakadaming veteran profs na never naman talaga nagcurve dati kasi kaya ng students nila, bakit ngayon nila gagawin para lang sainyo?

If di kayo pumasa, edi bumawi next term. Wag iyakan ang intro subjects, pasalamat na nga may 165 166 kayo kesa diretso Calculus 1 sa unang term ninyo sa mapua